SONA ni Gloria

July 29, 2008

Ngayon ko lang papanoorin yung SONA (State of the Nation Address) kahapon ni Pangulong Arroyo. Di ko napanood ng live kasi alas-quatro ng madaling araw nun dito sa amin kaya naisipan ko na lang na sa internet panoorin. Kakaiba yung gagawin ko para sa entry na ito kasi I will be blogging in real-time. Itatype ko kung anuman yung reaksiyon ko sa anumang nangyayari sa video. Sana di ako maiwan ng video.

play...
  • Puno ang Batasan. Madalang lang 'to. Ang daming gustong makibeso and makikamay kay PGMA. Puro nakangiti and nakaporma sa kani-kanilang mga formal attire.
  • The joint session is called to order. Ang liit ni Gloria. Na-sandwich siya sa pagitan nina Villar at Nograles.
  • Tindi ng opening statement. Pinagyabang ni Gloria yung economic improvement nung end of 2007. Pero sinundan naman niya ng tungkol sa kasalukuyang world economic crisis.
  • Self-reliance. Gandang pakinggan ng iniistrive natin. Pero kailan nga kaya darating yung araw na di na natin halos iaasa sa iba yung mga pangangailangan natin?
  • Wow! Totoo ba yun? Ayon dun sa graph na pinakita eh bumaba raw yung self-rated poverty mula nung 1987.
  • Nagtagalog din si Gloria sa wakas. Nag-aalala raw siya sa lahat (iba't ibang uri ng tao). Nag-aalala raw siya "because they are our countrymen".
  • Pahintu-hinto si Gloria sa kanyang speech. Ang daming mahihinang palakpak na dapat eh inisahan na lang para lumakas.
  • VAT naman ngayon ang pinagmalaki. Ako, pabor din naman ako sa VAT eh dahil di naman kasi strict yung income tax collection system natin sa bansa. Kailangan din naman ng budget ng gobyerno and makatutulong yung VAT para mabawasan naman yung inuutang natin.
  • Dahil sa anti-kotong and yung pagsugpo sa mga kulorum, tumaas daw yung kita nung isang namamasada mula 200 pesos hanggang 500 kada araw. Pwede bang mangyari yun ngayong ang dalas ng pagtaas ng presyo ng gasolina?
  • Bumaba ang presyo ng text. Ang lakas ng palakpakan. Lalo na niyan tayong magiging texting capital of the world.
  • Tax exemption sa mga minimum wage earners. NFA rice. Salamat.
  • Rice Self Sufficiency Program. Kailan kaya mararamdaman yung epekto nito? Kapag marami na ang namatay dahil sa gutom?
  • Family planning na. Buti naman at na-tackle ni Gloria yung issue na ito. Kailangan na talaga nating maiplement ang lahat ng effective ways para makontrol ang populasyon. Masyado ng maraming problema ang dinudulot ng population explosion.
  • Pinagmamalaki ni Gloria yung pamimigay ng gobyerno ng mga agricultural lands. Sana sa susunod pagbibigay ng mga sapat na trabaho naman yung ipagmalaki.
  • Nabobore na yung iba. Tinatamad ng pumalakpak sa mabulaklak at malamang (?) talumpati ng pangulo.
  • Bakit laging inuungkat ni Gloria yung mga sinabi niya sa SONA nung 2001? Wala bang pwedeng mapag-usapan dun sa last year o sa ibang mas recent?
  • Puro na lang enumeration ang ginagawa ngayon. Puro examples. Wait. May tungkol na rin sa SONA nung 06, tungkol sa basket. Di ko masyadong nakuha.
  • Cheaper Medicines Bill. Sana nga di na maging mahal ang magkasakit.
  • 65 million ang may health insurance? For real?
  • Renewable Energy Bill. Sana agad maramdaman yung epekto nito para mabawasan na yung dependence natin sa imported na langis. And sa ganun, di na masyadong magmamahal yung mga bilihin. Lagi na lang kasing sinisisi kapag may nagtaas na presyo eh yung pagmamahal ng gasolina.
  • 2:21 a.m. Part 6 of 6 na ko. Tumaas pala yung rank natin sa world competitiveness. 5 places nga lang.
  • Climate change. Ngayon ko lang narinig sa buong speech itong kasalukuyang world phenomenon. Nilagay sa bandang huli. Sinabay sa pagmamalaki sa mga programa para sa environment. Sana nga masolusyan natin siya sa ating bansa. Masyado ng napabayaan ang mundo. Ang ganda pa naman talaga kung tutuusin ng ating bansa.
  • As your president, I care too much about this nation... and so on. Magandang gabi na rin sa wakas. Adjourned.
  • Teka lang may pahabol pa ang pangulo. I am sorry (for wasting your time listening to me). Haha! Joke.
Sana sa susunod wala na lang SONA. Mukha lang nagpapacute yung mga nandun sa Batasan. Tapos yung pangulo naman, parang news reporter lang na inuulit yung mga naibalita na sa tv at dyaryo at hinaluan lang ng flavor para bumango (siya). Mabuti pang huwag na lamang silang magsalita at idaan na lamang ang lahat sa gawa. Yun, pag ganun, talagang papalakpak ako. Malakas na malakas.

The More You Hate...

Ilang araw na rin akong walang entry.
May tinapos kasi akong song na gusto ko ring ishare sa inyo.
Tungkol siya sa isang pag-ibig na nagdi-disguise bilang hatred.
Kahit papaano eh naipakita ko sa story nung song na pwede nga yung sinasabi nung saying na "the more you hate, the more you love".
Pakinggan niyo na lang and sana maappreciate niyo siya.















I've been staring out the window for so long
tryin' to figure out what went wrong.
'Coz it's been weeks or even months now
since our last real conversation.
Am I not worthy anymore of your attention?

Refrain:
Time seems to fly so fast.
Didn't you never ever want our time together to last?

Chorus:
I'm starting to hate you.
I'm starting to wear away the smile
whenever you come across my eyes.
Please don't ask me why
I'm starting to hate you.
I'm tired of your pretentious face.
Don't ever give me that mysterious gaze.
'Coz I'm never gonna look back.
I'm okay.

You've been nowhere near me for some time now.
Do you ever think of me somehow?
'Coz it's been weeks or even months now
since the last time you said you missed me.
And now I'm always left here waiting, up until three.

Repeat Refrain.
Repeat Chorus except last line.

Is it really hatred that I am feelin'?
'Coz maybe there's just something that I am missin'.
Maybe I just miss you.
Maybe I'm just really starting to love you.

Repeat Chorus except last line.
Repeat Chorus.

"Emo" daw

July 27, 2008

Emotional daw ako pagdating sa pag-ibig.
Maaaring tama sila, maaari din namang hindi.
Isang bagay lang ang alam kong totoo, yun ay ang nararamdaman ko para sa babaeng ito.
Ang hirap mainlove sa isang kaibigan. Hindi mo man aminin minsan, pero ikaw pa rin ay nasasaktan. Napapangiti ka kapag nakikita mo siyang tumatawa, madalas mong titigan ang kanyang mga mata, masaya ka sa tuwing nakakasama mo siya. Oo, masaya. Ngunit sa bandang huli, hanggang pagkakaibigan lang ang lahat.
Masakit man sa pakiramdam, hindi mo maiwasang siya ay damayan.
Ikaw ay kanyang sinasabihan kapag may problema sila ng boypren niya.
Ngayon, wala na sila... sa tingin mo, may pag-asa na kaya ako?
Sadyang mahirap umasa.
Mahal ko nga siya.
Sobra.
Pero paano kung masira ang pagkakaibigan?
Ano ba talaga ang tamang paraan?
Malabo talaga ang pag-ibig kung minsan.
Ngayon, sinasabi ng iba na baka may gusto na rin siya sa akin.
May mga bagay na kaya raw magpatunay.
Ewan ko ba...
Ayaw ko lang ba na masira ang pagkakaibigan namin,
o torpe lang akong talaga?

anik anik: sa mga pinoy, sentimental value :

nawala pitaka ko. mga tatlong linggo na nung mawala yun. putik, hassle yun eh. makwento nga.

mga 2.30 yun ng hapon. katatapos lang ng quantitative subject namin. eh sa schedule ko, after nung quantitative e accounting, nung araw na yun, di ako gumawa ng assignment sa accounting. since 4.00 pa lang naman accounting ko, dun sa 2.30-4.00 na libre ako, kumopya nako ng assignment sa kaklase ko. ang haba. sa sobrang haba ginutom ako. nung makalahati ko na yung assignment, bumili ako ng pagkain dun sa kiosk sa skuol namin, junk food pa nga binili ko nun eh. tuwang tuwa pa nga mga kaklasi ko kasi dami ko daw binili, nanlilibre daw ba ako. ayun, kumain ako, sa pagkakatanda ko, nung bumalik ako sa table ko para ituloy yung assignment ko habang kumakain, nakapatong yung wallet ko sa libro ko. nung matapos ko yung assignment, napadaan ako ulit dun sa kiosk, nakakita ako ng junk foods ulit. di ko na dala nun yung wallet ko, sabi ko pa nga sa tindera, "ate, maya ko na lang bayaran andun sa table namin yung wallet ko eh." oo naman daw siya no. tapos napansin ko na may naglalaro ng volleyball sa gym, sumali daw ako. ayun for the next 1hr, naglaro ako. bumalik lang ako sa table namin nung 5mins before 4.

pagbalik ko, mannerism ko na siguro dahil bago cellphone ko , chineck ko yung bag ko para tignan kung andun cellphone ko. it follows naman nun na titignan ko rin kung andun pa yung pitaka ko. kulay pink yun, yun na yung pinaka striking ang kulay na laman ng bag ko. wala akong striking na nakita nung binuksan ko yung bag ko. medyo nagpanic nako nun. tinignan ko na rin yung table, wala din dun. putik. 1500 laman nun. wala na, umiyak nako nun. tinanong ko na din mga kaibigan ko tsaka hinalughog yung mga bag nila, baka nailagay sa mga bag nang di sinasadya, wala din. putik talaga. di nako pumasok sa accounting nun, iba pakiramdam ko nun eh, idagdag pa na magang maga na ang mga mata ko dahil alam ko na patay lalo ako sa nanay ko kapag nalaman niya na yung binigay niyang 1500 ay nawala. siguro dalawang oras akong umiiyak nun, nakatambay sa table kung saan nawala wallet ko.

umiyak ako hindi dahil 1500 yung nawala sakin. yung 1500 na yun kasi ay yung kauna-unahang pera na lagpas 500 na binigay sakin ng nanay ko, as in voluntary niyang binigay. this past year kasi, ayoko ng humihingi sa kanya, nahihiya nako, kaya nga ako nagtrabaho eh. kaya nga rin di ko pa nagagastos dahil nung panahon na yun, di pa rin ako makapaniwala na binigyan ako ng pera ng nanay ko kahit di naman ako humihingi. hindi pinupulot lang ang pera, ito din, tumatak sa isip ko nung mawala wallet ko. lalo tong nagpaiyak sakin kasi naalala ko yung pagod na naranasan ko nung naging server ako sa isang restaurant.

andun din pala mga class cards ko. putik, naalala ko na naman, may isang class card ako na pinaka-ingat ingatan ko, andun din sa pitaka ko. tokwa, uno yun eh. ilang gabing pinagpuyatan ko yung grado na yun, nagtatanggal pa nga ng stress sakin yun eh, kapag muntik muntikan akong bumagsak sa isang subject. titignan ko lang yung pulang bolpen na bumilog sa 1, nakakarelaks na. ngayon wala na kong pampalubag loob. kailangan ko ulit magpuyat ng ilang gabi para makakita ng bilog sa number 1.

nawala din id ko tsaka enrollment sheet. tuwing sasakay ako ng jeep, di na ako maka-avail ng student discount. la akong id eh. o kung minsan naman, tinatandaan ko yung mga driver na humihingi ng id para masiguro na estudyante ako. mga beinte din natitipid ko araw araw dahil sa student discount. eto pa problema, la ako enrollment sheet, pano ako magapapaID ulit? hmp. doble abala talaga, tokwa.wala tuloy akong katauhan, wala nako valid id. tuwang tuwa pa mandin ako sa id ko kasi ang kapal kapal na nung mga sticker . tsaka mukha pa akong nene nun, ang cute. nawala kasi pitaka ko kaya, ayun, wala na.

may pictures din dun nung mga sitwasyon na inayusan ako dahil magperperform ako. dun nga lang ako nag-aayos eh. mga litrato din ng mga kaibigan, ka-ibigan, tsaka pamilya ang andun. andun pa nga yung wrapper ng chocolate na binigay ng kauna-unahang lalaking nagbigay ng chocolate sakin. may atm card din, sulat nung high school teacher ko, love letter ng best friend ko sakin, calling cards, resibo nung una akong magstarbucks, madami pang anik anik na halos memorqabilia ng mga first time ko.

sentimental value. isa sa mga pinapahalagahan ng mga pinoy. tulad ko, madaming anik anik para maalala ang mga pangyayari na ayaw makalimutan. sentimental value ang sumisimbulo sa kagustuhan ng mga pinoy na huwag makalimot, na huwag igupo ang mga memorya sa alzheimers. nawala ang wallet ko, pero mas dinamdam ko ang sentimental value ng mga bagay na andun. yang sentimental value na yan ang nagpamaga ng mga mata ko. siguro ganun na talaga mga pilipino no? gusto laging makaalala.

napahaba na ang unang post ko. la pa ko maisip niyan,hehe. sana nagustuhan ninyo. ayun, sana may susunod pa, sana may oras pa ko. :)

Ready, Take Off!

July 25, 2008

Weird Guy: Miss, umutot ka?
Pasampal na si Ms. Beautiful Girl nang sumabat si Weird Guy...
Weird Guy (may ngiti na nakakaasar na pilit): Joke lang.
SLAP!!!
Pagkahaba-haba man ng prusisyon, nasampal pa rin si Weird Guy.
Weird Guy: Ang sakit nun. Bading!

Mabuti na lamang at naimbento ang mga jokes (kasama na rin dun yung mga pranks). Kasi kung hindi, ang lungkot siguro ng mundo. Hindi ka na pwedeng mang-asar at mambwisit dahil magagalit lang yung mapagkakatuwaan mo. Tapos baka pag bumanat ka pa ng joke lalo na kung corny, baka akalain pa nila na nasisiraan ka lang ng ulo at nagsasabi ka lang ng kung anong nonsense. Higit sa lahat, kung di nauso ang mga jokes (including pranks), di mo sana maeenjoy yung video sa baba.


Kung ako yung napagtripan ng mga 'yun, di ko alam kung matutuwa ako. Pero buti na lang at hindi ako. Kasi, tuwang-tuwa talaga ako sa video kahit na boring (corny) yung aking intro.

How to Make a Love Song

July 22, 2008

Paano nga ba? Heto. Pakinggan niyo yung bago kong kinaaadikan. Lagi namang ganito. Laging may isang kanta na talagang kinahuhumalingan ko (LSS). Madalas, umaabot ng one month o mahigit pa yung kanta sa isip ko. Dati, addicted ako sa kanta ng Coldplay na Viva la Vida. Tapos bago yun, yung Your Guardian Angel naman ng Red Jumpsuit Apparatus. Ngayon, heto. Mula sa bagong album ng Parokya ni Edgar na Solid. Oo. Isa akong Parokya fan mula pa sa pinakauna nilang album na Khangkhungkherrnitz. Sana magustuhan niyo rin. Ang cute kasi. Cute. Tama. Baduy man yung description ko pero ganun ko talaga siya i-describe. Pakinggan niyo na lang para ma-gets niyo kung bakit.


The first part of this song, I guess
Should start with something sweet
Cause love songs often do,
And you know me, I'm such a geek
For songs that I could sing to you
And I'm hoping this could be one
And I hope that you would like me
Este... like it when I'm done

The second part is easy
To mess up with something cheesy
So I better choose my words
Cause I don't want it to be mushy
Cause that's the thing with love songs
And that is the tricky part
It's hard not to sound corny
When you're singing from the heart

And when the chorus comes,
I must come up with something clever
For you it's just a love song
But for me it's now or never!
And though I tried my best to make it beautiful and true
I could never make a song as beautiful as you

And when the chorus comes again,
I must say something clever
Cause for you it's just a love song
But for me it's now or never!
And though I tried my best to make it beautiful and true
I could never make a song as beautiful as you
I could never make a love song as beautiful as you

Haha! Alam na alam ko yung feeling ng kanta. I write songs din kasi pag naka-trip. Huwag niyo ng itanong kung saan niyo mapakikinggan dahil di niyo rin magugustuhan. Balik sa kanta. Favorite ko yung last line. I could never make a love song as beautiful as you. Ganun naman kasi. Hindi lang naman sa kanta kahit sa isang regular conversation lalo na kung with your special someone. Gusto nating mang-impress and at the same time mag-express.

Pero sana nga lang eh nakikinig siya. Kung hindi kasi eh sayang lang yung mga salita.

Young Once

July 21, 2008

Dati hindi ko alam kung bakit nag-eenjoy ako na binabasa yung Narnia series. Kailan ko lang narealize yung dahilan. Gusto ko rin kasi palang makarating sa mundo ni Aslan.

Oo, alam ko na hindi na ako bata para magkaroon pa ng imaginary world. Pero wala naman sigurong masama roon. Gusto ko lang naman na makaranas ng totoong adventure sa isang bago at masayang mundo. Hindi tulad dito sa mundo natin na lahat parang naka-program. Magulo pa. Ulit-ulit lang yung nangyayari araw-araw. Tumataas ang presyo ng mga bilihin, tapos magtatrabaho pero kulang pa rin. Tsaka napakakumplikado pa ng mga bagay-bagay. Dumarami ng dumarami ang kailangan nating isipin habang tayo'y tumatanda.

Mabuti pa nung tayo'y mga bata. Walang masyadong problema. Madalas tayong nasa labas, nakikipaglaro. Sobrang laya natin nun. Sobrang saya. Labas masok sa bahay para lang maglaro at kumain, tapos maliligo at muling maglalaro. Ang layo ng mundo ngayon. Wala ng masyadong lugar na mapaglalaruan sa labas. Tsaka siyempre, hindi na nga ako bata para makipagtaguan pa. Baka akalain pa ng iba na ako'y isip bata. Tapos dumagdag pa ang mga game consoles. Naglalaro na lang sa loob ng bahay. Salamat nga at naimbento ang Wii, kahit papaano ay nakakagalaw-galaw pa rin. Namimiss ko na ring makipag-patintero.

Kaya talagang gusto ko ng mapunta sa Narnia. Gusto kong malanghap yung hangin dun na nagbibigay ng kakaibang lakas na nakakapagpabata. Tsaka kasi sa Narnia, di importante yung oras. Di tulad sa mundo natin ngayon na lahat ng tao laging nakaabang sa orasan. Lahat bilang, eksakto. Sa Narnia, di yun pansin. Aabangan ko lang nun siguro yung paglubog ng araw. Tapos habang nasa labas, minamasid ko yung malawak na lupain ng Narnia, yung lupa na walang nagtataasang buildings, yung kung saan bawat tignan mo eh pwedeng ipanlaban sa natural wonders of the world. Tapos dun, malaya pa yung mga hayop. Wala sila sa zoo and walang anumang threats para sila'y maging extinct (tapos ko ng basahin ang last book ng series, wala ng mga villains). Bonus pa na nakakapagsalita sila. Malaya akong makakapaglaro na walang inaalintana. Simpleng buhay lamang pero masaya.

Sana sunduin na ako ni Aslan. Masyado ng magulo ang ating mundo. Kumplikado. Hirap tumanda. Sarap maging bata.















Empty Box No. 71: Sana nasa Narnia lang ako para pagbalik ko sa 'Pinas parang di lang din gumalaw yung oras.

Be Patient.

July 17, 2008

Bakit ko na sabi yan? Maraming dahilan kung bakit yan ang title ng first post ko. Simple lang pero malaman.

Unang-una, ito ang unang dalawang salitang masasabi mo kapag sobrang haba ng pila. At kung sitwasyon mo ay nasa mainit kang lugar na nakabilad pa sa araw. Para hindi uminit ulo ng iba, yan ang una mong masasabi.

Ikalawa, maaari mo rin itong mabanggit kung ikaw ay kasalukuyang nasa sitwasyon na nag-aaway mga kaibigan mo, magulang o kapatid mo man. Para lang hindi umabot sa isang pangyayari na ayaw mong maging outcome ng pag-aaway. 90 percent akong sigurado na yan ang sasabihin mo.

Ikatlong point, ma-aapply mo rin mga katagang yan sa isang bagay na hindi mo matapos tapos at gusto mo nang sumuko. Ang hirap pero nakakapagpagaan ng loob yang dalawang salitang iyan.

Para sa isang tulad ko na maraming ginagawang mga bagay, lalo na school works, gamit na gamit ang mga salitang iyan. Ang pagiging patient sa lahat ng bagay ay isa sa mga natutunan ko hindi sa loob ng university pero sa pang-araw araw na pamumuhay ko dito sa mundo. Narealize ko ngayong linggong 'to na hindi mo magagawang matapos ang isang bagay kung agad mong iisipan ng hindi maganda at susuko agad.

Sana kayo rin maiaapply niyo 'tong natutunan ko sa mga buhay niyo. Gusto ko lang naman maintindihan niyo at mapagtanto na ang lahat ng bagay ay lumilikom ng sapat na panahon. Ang mga bagay na ito ay hindi dapat minamadali.

Mass Murder

July 15, 2008

Nakakainis na nakakaawa na nakaka-guilty na nakakalahat.

Napanood ko na naman kahapon yung Kalam, documentary ng GMA tungkol sa krisis sa bigas. Yung unang part talagang nakakaawa. Hindi ko malimutan yung sagot nung isang nanay nang tanungin siya kung paano niya pinapaliwanag sa mga anak niya yung kalagayan nila. Ang sagot niya, "Wala. Iiyak na lang." Ganun na lang. Parang sa kanila, luha na lamang yung pinantatawid nila sa kanilang gutom. Meron din palang isa pang pamilya na nagtitiis na lang sa pagkaing panis para lang may makain. Sabi nila basta di sila malason.

Mahirap naman kasi talaga. Sobrang mahal ng bigas. Buong mundo yung rice shortage. Kahit dito sa Tate, yung dati naming nabibili ng mga 13 dollars ngayon mga 25 na. Tayo pa naman ang hirap tanggalin ng kanin sa everyday meal natin. Kaya nga naaawa talaga ako riyan sa mga nasa atin. Ang hahaba ng pila sa mga bilihan ng NFA rice. Lahat nagtitiyaga para lang makabili ng kahit papaano ay murang bigas. Yung commercial na bigas kasi, ang layo ng presyo. Sa Mindanao, umabot na sa 50 pesos per kilo. Meron pa ngang isang lugar dun kung saan umabot ng 110 pesos. Sino pa ang bibili nun? Di nakapagtataka na marami ang umaasa na lang sa mga relief operations para lang makakain ulit ng kanin. Kaya ako, talagang sinusulit ko yung bawat butil ng kanin. Sana kayo rin.

Tapos sumabay pa pala yung pagtaas ng pamasahe. Nung first time kong mamasahe mahigit 10 years ago, 2.50 pesos pa lang yung minimum. Ngayon, 8.50 na and di pa kuntento run yung mga drivers. Hirap nga naman talaga silang kumita. Meron ngang ilang namamasada ng jeep na halos buong araw na kung mamasada. Ang di ko maintindihan ay yung tungkol sa pagkuha nila ng fare matrix. Pagkuha lang ng tarima, bakit may processing fee na agad na 520 pesos? Di pa man nga sila nagsisimulang maningil ng bagong minimum eh kinaltasan na nga sila agad. Sa nangyayari ngayon, di malayong magbalik lahat ulit tayo sa pagsakay ng bisikleta. O kaya maglalakad na ulit tayo ng malayo. Exercise din yun.

Tumataas na talaga ang halaga ng lahat ng bagay. Hirap mabuhay. Unti-unti na tayong pinapatay, tayong mahihirap. Minsan nga napapaisip ako kung di kaya ito isang paraan ng mga makapangyarihan upang masolusyunan ang paglobo ng populasyon. Maganda rin naman yung ganung hangarin kung totoo man. Ang masama lang ay tayong mga mahihirap ang labis na naaapektuhan. Tayo lang.

First!

July 14, 2008

Since heto yung kauna-unahang post sa blog, tama lamang siguro na pag-usapan ang tungkol sa mga something. Ang big deal kasi ng mga firsts kaya naisipan kong pansinin. Kaya nga rin siguro sobrang nahihirapan ako sa pagtapos nitong first post na ito. Syempre, unang-unang entry kaya gusto ko sanang magkaroon siya ng sense para hindi naman masayang yung time mo sa pagbasa nito. Kung feel mo naman na masasayang nga lang eh click here. Kung wala pa rin ay close mo na lang ang browser mo.

Big deal. Parang nung ano lang yan, yung iyong first love. Gusto ko pa naman sana na wala munang tungkol sa pag-ibig pero naisip ko lang na gawing halimbawa. Well, inexperienced pa naman ako sa mga bagay na ganyan pero sa tingin ko na di siguro madali ang magsabi kung hetong love interest mo ngayon eh siyang iyong magiging first love. Lalo na ako, gusto kong ireserve yung term na first love para lang sa babaeng nais kong makasama sa habambuhay. Tapos meron pa, sabi ng isang quotation, "First love never dies." Siguro nga. Marahil. Kasi ako hanggang ngayon tandang-tanda ko pa rin yung aking first crush. And crush pa lang yun, love pa kaya.

Ang mga first something kasi, gaya nga ng first love, eh binebreak yung boring na pattern ng iyong araw-araw na buhay. Yun nga sa first love, bagong feeling na never mo pang naramdaman. Parang sa mga mag-asawa lang yan, yung feeling nila habang hinihintay yung kanilang panganay na anak. At pagkapanganak, bagong buhay para sa kanila. Pag may first, may bago. Hetong blog, pagkatapos nitong first entry maaari na siya talagang tawaging isang blog. First entry, bagong blog.

Maliban sa big deal ang mga firsts, nagdudulot din sila ng kakaibang feeling. Something na hyper. Pag nanalo ka ng first place sa isang competition, may kakaibang saya na iba sa natural na saya. Siya yung saya na may halong kung anong iba na basta. Mahirap iexplain. Alalahanin mo na lang yung feeling nung iyong first birthday. Pikit mo lang ang iyong mga mata and may makikita kang naka-grayscale. Error! Hindi mo nga pala matandaan. Ang tagal na nun. Hindi naman talaga puro saya kasi meron din namang ibang first tulad ng first day mo sa school na hindi talaga masaya. Yung feeling sa first day eh kinakabahan na naeexcite na may halong takot na ewan. Ganun. Sa lahat ng firsts eh may kakaibang feeling na mahirap hanapin sa dictionary. Unless na memorize mo ang buong dictio.

Haha! Para akong baby na unang beses na nagsalita. Sa wakas, kahit pilit ay nasabi rin ang nais kong sabihin. Kakaiba. Di naman kasi talaga ako mahilig sumulat pero wala lang, para lang may mai-blog. Basta. Ang nais ko lang talagang iparating eh yung mga first something eh sila yung mga pangyayari na may inooffer na bago na nagdudulot ng kakaibang feeling na mahirap malimutan. Gets? Bakit hindi na lang kasi yun agad yung sinabi ko para hindi na ako nahirapan. Tapos na rin. Sana di ka nanghinayang sa ilang minuto mong pagbabasa nito and sana bumisita ka pa ulit dito. Free lang naman.

P.S.

Sa pinakaunang magkukumento sa article na ito, huwag sanang tumulad sa ibang tao na hindi ko maintindihan. Oo na. Alam naman namin na ikaw ang una. Di mo na kailangang magcomment ng "First!"