July 27, 2008
nawala pitaka ko. mga tatlong linggo na nung mawala yun. putik, hassle yun eh. makwento nga.
mga 2.30 yun ng hapon. katatapos lang ng quantitative subject namin. eh sa schedule ko, after nung quantitative e accounting, nung araw na yun, di ako gumawa ng assignment sa accounting. since 4.00 pa lang naman accounting ko, dun sa 2.30-4.00 na libre ako, kumopya nako ng assignment sa kaklase ko. ang haba. sa sobrang haba ginutom ako. nung makalahati ko na yung assignment, bumili ako ng pagkain dun sa kiosk sa skuol namin, junk food pa nga binili ko nun eh. tuwang tuwa pa nga mga kaklasi ko kasi dami ko daw binili, nanlilibre daw ba ako. ayun, kumain ako, sa pagkakatanda ko, nung bumalik ako sa table ko para ituloy yung assignment ko habang kumakain, nakapatong yung wallet ko sa libro ko. nung matapos ko yung assignment, napadaan ako ulit dun sa kiosk, nakakita ako ng junk foods ulit. di ko na dala nun yung wallet ko, sabi ko pa nga sa tindera, "ate, maya ko na lang bayaran andun sa table namin yung wallet ko eh." oo naman daw siya no. tapos napansin ko na may naglalaro ng volleyball sa gym, sumali daw ako. ayun for the next 1hr, naglaro ako. bumalik lang ako sa table namin nung 5mins before 4.
pagbalik ko, mannerism ko na siguro dahil bago cellphone ko
umiyak ako hindi dahil 1500 yung nawala sakin. yung 1500 na yun kasi ay yung kauna-unahang pera na lagpas 500 na binigay sakin ng nanay ko, as in voluntary niyang binigay. this past year kasi, ayoko ng humihingi sa kanya, nahihiya nako, kaya nga ako nagtrabaho eh. kaya nga rin di ko pa nagagastos dahil nung panahon na yun, di pa rin ako makapaniwala na binigyan ako ng pera ng nanay ko kahit di naman ako humihingi. hindi pinupulot lang ang pera, ito din, tumatak sa isip ko nung mawala wallet ko. lalo tong nagpaiyak sakin kasi naalala ko yung pagod na naranasan ko nung naging server ako sa isang restaurant.
andun din pala mga class cards ko. putik, naalala ko na naman, may isang class card ako na pinaka-ingat ingatan ko, andun din sa pitaka ko. tokwa, uno yun eh. ilang gabing pinagpuyatan ko yung grado na yun, nagtatanggal pa nga ng stress sakin yun eh, kapag muntik muntikan akong bumagsak sa isang subject. titignan ko lang yung pulang bolpen na bumilog sa 1, nakakarelaks na. ngayon wala na kong pampalubag loob. kailangan ko ulit magpuyat ng ilang gabi para makakita ng bilog sa number 1.
nawala din id ko tsaka enrollment sheet. tuwing sasakay ako ng jeep, di na ako maka-avail ng student discount. la akong id eh. o kung minsan naman, tinatandaan ko yung mga driver na humihingi ng id para masiguro na estudyante ako. mga beinte din natitipid ko araw araw dahil sa student discount. eto pa problema, la ako enrollment sheet, pano ako magapapaID ulit? hmp. doble abala talaga, tokwa.wala tuloy akong katauhan, wala nako valid id. tuwang tuwa pa mandin ako sa id ko kasi ang kapal kapal na nung mga sticker
may pictures din dun nung mga sitwasyon na inayusan ako dahil magperperform ako. dun nga lang ako nag-aayos eh. mga litrato din ng mga kaibigan, ka-ibigan
sentimental value. isa sa mga pinapahalagahan ng mga pinoy. tulad ko, madaming anik anik para maalala ang mga pangyayari na ayaw makalimutan. sentimental value ang sumisimbulo sa kagustuhan ng mga pinoy na huwag makalimot, na huwag igupo ang mga memorya sa alzheimers. nawala ang wallet ko, pero mas dinamdam ko ang sentimental value ng mga bagay na andun. yang sentimental value na yan ang nagpamaga ng mga mata ko. siguro ganun na talaga mga pilipino no? gusto laging makaalala.
napahaba na ang unang post ko. la pa ko maisip niyan,hehe. sana nagustuhan ninyo. ayun, sana may susunod pa, sana may oras pa ko. :)
1 Comment:
Bro can we have an exchange link of my blog
http://cebuimage.blogspot.com
Post a Comment