July 29, 2008
Ngayon ko lang papanoorin yung SONA (State of the Nation Address) kahapon ni Pangulong Arroyo. Di ko napanood ng live kasi alas-quatro ng madaling araw nun dito sa amin kaya naisipan ko na lang na sa internet panoorin. Kakaiba yung gagawin ko para sa entry na ito kasi I will be blogging in real-time. Itatype ko kung anuman yung reaksiyon ko sa anumang nangyayari sa video. Sana di ako maiwan ng video.
play...
play...
- Puno ang Batasan. Madalang lang 'to. Ang daming gustong makibeso and makikamay kay PGMA. Puro nakangiti and nakaporma sa kani-kanilang mga formal attire.
- The joint session is called to order. Ang liit ni Gloria. Na-sandwich siya sa pagitan nina Villar at Nograles.
- Tindi ng opening statement. Pinagyabang ni Gloria yung economic improvement nung end of 2007. Pero sinundan naman niya ng tungkol sa kasalukuyang world economic crisis.
- Self-reliance. Gandang pakinggan ng iniistrive natin. Pero kailan nga kaya darating yung araw na di na natin halos iaasa sa iba yung mga pangangailangan natin?
- Wow! Totoo ba yun? Ayon dun sa graph na pinakita eh bumaba raw yung self-rated poverty mula nung 1987.
- Nagtagalog din si Gloria sa wakas. Nag-aalala raw siya sa lahat (iba't ibang uri ng tao). Nag-aalala raw siya "because they are our countrymen".
- Pahintu-hinto si Gloria sa kanyang speech. Ang daming mahihinang palakpak na dapat eh inisahan na lang para lumakas.
- VAT naman ngayon ang pinagmalaki. Ako, pabor din naman ako sa VAT eh dahil di naman kasi strict yung income tax collection system natin sa bansa. Kailangan din naman ng budget ng gobyerno and makatutulong yung VAT para mabawasan naman yung inuutang natin.
- Dahil sa anti-kotong and yung pagsugpo sa mga kulorum, tumaas daw yung kita nung isang namamasada mula 200 pesos hanggang 500 kada araw. Pwede bang mangyari yun ngayong ang dalas ng pagtaas ng presyo ng gasolina?
- Bumaba ang presyo ng text. Ang lakas ng palakpakan. Lalo na niyan tayong magiging texting capital of the world.
- Tax exemption sa mga minimum wage earners. NFA rice. Salamat.
- Rice Self Sufficiency Program. Kailan kaya mararamdaman yung epekto nito? Kapag marami na ang namatay dahil sa gutom?
- Family planning na. Buti naman at na-tackle ni Gloria yung issue na ito. Kailangan na talaga nating maiplement ang lahat ng effective ways para makontrol ang populasyon. Masyado ng maraming problema ang dinudulot ng population explosion.
- Pinagmamalaki ni Gloria yung pamimigay ng gobyerno ng mga agricultural lands. Sana sa susunod pagbibigay ng mga sapat na trabaho naman yung ipagmalaki.
- Nabobore na yung iba. Tinatamad ng pumalakpak sa mabulaklak at malamang (?) talumpati ng pangulo.
- Bakit laging inuungkat ni Gloria yung mga sinabi niya sa SONA nung 2001? Wala bang pwedeng mapag-usapan dun sa last year o sa ibang mas recent?
- Puro na lang enumeration ang ginagawa ngayon. Puro examples. Wait. May tungkol na rin sa SONA nung 06, tungkol sa basket. Di ko masyadong nakuha.
- Cheaper Medicines Bill. Sana nga di na maging mahal ang magkasakit.
- 65 million ang may health insurance? For real?
- Renewable Energy Bill. Sana agad maramdaman yung epekto nito para mabawasan na yung dependence natin sa imported na langis. And sa ganun, di na masyadong magmamahal yung mga bilihin. Lagi na lang kasing sinisisi kapag may nagtaas na presyo eh yung pagmamahal ng gasolina.
- 2:21 a.m. Part 6 of 6 na ko. Tumaas pala yung rank natin sa world competitiveness. 5 places nga lang.
- Climate change. Ngayon ko lang narinig sa buong speech itong kasalukuyang world phenomenon. Nilagay sa bandang huli. Sinabay sa pagmamalaki sa mga programa para sa environment. Sana nga masolusyan natin siya sa ating bansa. Masyado ng napabayaan ang mundo. Ang ganda pa naman talaga kung tutuusin ng ating bansa.
- As your president, I care too much about this nation... and so on. Magandang gabi na rin sa wakas. Adjourned.
- Teka lang may pahabol pa ang pangulo. I am sorry (for wasting your time listening to me). Haha! Joke.
Sana sa susunod wala na lang SONA. Mukha lang nagpapacute yung mga nandun sa Batasan. Tapos yung pangulo naman, parang news reporter lang na inuulit yung mga naibalita na sa tv at dyaryo at hinaluan lang ng flavor para bumango (siya). Mabuti pang huwag na lamang silang magsalita at idaan na lamang ang lahat sa gawa. Yun, pag ganun, talagang papalakpak ako. Malakas na malakas.
1 Comment:
Kaya po may SONA kasi nag rereport ang President sa mga nagawa niya, or balak niyang gawin etc.
bakit mo hinahangad na sana walang SONA? eh wag kang manuod kung puro rin ngawa gagawin mo. Kung magsalita ka po parang alam mo lahat ang nangyayari at ganun kadali ang lahat.
Post a Comment