July 14, 2008
Since heto yung kauna-unahang post sa blog, tama lamang siguro na pag-usapan ang tungkol sa mga something. Ang big deal kasi ng mga firsts kaya naisipan kong pansinin. Kaya nga rin siguro sobrang nahihirapan ako sa pagtapos nitong first post na ito. Syempre, unang-unang entry kaya gusto ko sanang magkaroon siya ng sense para hindi naman masayang yung time mo sa pagbasa nito. Kung feel mo naman na masasayang nga lang eh click here. Kung wala pa rin ay close mo na lang ang browser mo.
Big deal. Parang nung ano lang yan, yung iyong first love. Gusto ko pa naman sana na wala munang tungkol sa pag-ibig pero naisip ko lang na gawing halimbawa. Well, inexperienced pa naman ako sa mga bagay na ganyan pero sa tingin ko na di siguro madali ang magsabi kung hetong love interest mo ngayon eh siyang iyong magiging first love. Lalo na ako, gusto kong ireserve yung term na first love para lang sa babaeng nais kong makasama sa habambuhay. Tapos meron pa, sabi ng isang quotation, "First love never dies." Siguro nga. Marahil. Kasi ako hanggang ngayon tandang-tanda ko pa rin yung aking first crush. And crush pa lang yun, love pa kaya.
Ang mga first something kasi, gaya nga ng first love, eh binebreak yung boring na pattern ng iyong araw-araw na buhay. Yun nga sa first love, bagong feeling na never mo pang naramdaman. Parang sa mga mag-asawa lang yan, yung feeling nila habang hinihintay yung kanilang panganay na anak. At pagkapanganak, bagong buhay para sa kanila. Pag may first, may bago. Hetong blog, pagkatapos nitong first entry maaari na siya talagang tawaging isang blog. First entry, bagong blog.
Maliban sa big deal ang mga firsts, nagdudulot din sila ng kakaibang feeling. Something na hyper. Pag nanalo ka ng first place sa isang competition, may kakaibang saya na iba sa natural na saya. Siya yung saya na may halong kung anong iba na basta. Mahirap iexplain. Alalahanin mo na lang yung feeling nung iyong first birthday. Pikit mo lang ang iyong mga mata and may makikita kang naka-grayscale. Error! Hindi mo nga pala matandaan. Ang tagal na nun. Hindi naman talaga puro saya kasi meron din namang ibang first tulad ng first day mo sa school na hindi talaga masaya. Yung feeling sa first day eh kinakabahan na naeexcite na may halong takot na ewan. Ganun. Sa lahat ng firsts eh may kakaibang feeling na mahirap hanapin sa dictionary. Unless na memorize mo ang buong dictio.
Haha! Para akong baby na unang beses na nagsalita. Sa wakas, kahit pilit ay nasabi rin ang nais kong sabihin. Kakaiba. Di naman kasi talaga ako mahilig sumulat pero wala lang, para lang may mai-blog. Basta. Ang nais ko lang talagang iparating eh yung mga first something eh sila yung mga pangyayari na may inooffer na bago na nagdudulot ng kakaibang feeling na mahirap malimutan. Gets? Bakit hindi na lang kasi yun agad yung sinabi ko para hindi na ako nahirapan. Tapos na rin. Sana di ka nanghinayang sa ilang minuto mong pagbabasa nito and sana bumisita ka pa ulit dito. Free lang naman.
P.S.
Sa pinakaunang magkukumento sa article na ito, huwag sanang tumulad sa ibang tao na hindi ko maintindihan. Oo na. Alam naman namin na ikaw ang una. Di mo na kailangang magcomment ng "First!"
2 Comments:
nice blog dude hehehe welcome sa blog
Pinoy na pinoy ang blog blog mo bro.. happy blogging!
Post a Comment