Ready, Take Off!

July 25, 2008

Weird Guy: Miss, umutot ka?
Pasampal na si Ms. Beautiful Girl nang sumabat si Weird Guy...
Weird Guy (may ngiti na nakakaasar na pilit): Joke lang.
SLAP!!!
Pagkahaba-haba man ng prusisyon, nasampal pa rin si Weird Guy.
Weird Guy: Ang sakit nun. Bading!

Mabuti na lamang at naimbento ang mga jokes (kasama na rin dun yung mga pranks). Kasi kung hindi, ang lungkot siguro ng mundo. Hindi ka na pwedeng mang-asar at mambwisit dahil magagalit lang yung mapagkakatuwaan mo. Tapos baka pag bumanat ka pa ng joke lalo na kung corny, baka akalain pa nila na nasisiraan ka lang ng ulo at nagsasabi ka lang ng kung anong nonsense. Higit sa lahat, kung di nauso ang mga jokes (including pranks), di mo sana maeenjoy yung video sa baba.


Kung ako yung napagtripan ng mga 'yun, di ko alam kung matutuwa ako. Pero buti na lang at hindi ako. Kasi, tuwang-tuwa talaga ako sa video kahit na boring (corny) yung aking intro.

1 Comment:

Anonymous said...

powtek. kung sa akin nangyari to, hindi ko mapapatawad ang prankster. paano jebs na jebs ka na talaga tapos nadisplay ka sa public. ok lang sana kung naihi ka lang. nakakatok tuloy gumamit ng portalet, baka magtake off. hehe thanks sa comment. :-D