July 21, 2008
Dati hindi ko alam kung bakit nag-eenjoy ako na binabasa yung Narnia series. Kailan ko lang narealize yung dahilan. Gusto ko rin kasi palang makarating sa mundo ni Aslan.
Oo, alam ko na hindi na ako bata para magkaroon pa ng imaginary world. Pero wala naman sigurong masama roon. Gusto ko lang naman na makaranas ng totoong adventure sa isang bago at masayang mundo. Hindi tulad dito sa mundo natin na lahat parang naka-program. Magulo pa. Ulit-ulit lang yung nangyayari araw-araw. Tumataas ang presyo ng mga bilihin, tapos magtatrabaho pero kulang pa rin. Tsaka napakakumplikado pa ng mga bagay-bagay. Dumarami ng dumarami ang kailangan nating isipin habang tayo'y tumatanda.
Mabuti pa nung tayo'y mga bata. Walang masyadong problema. Madalas tayong nasa labas, nakikipaglaro. Sobrang laya natin nun. Sobrang saya. Labas masok sa bahay para lang maglaro at kumain, tapos maliligo at muling maglalaro. Ang layo ng mundo ngayon. Wala ng masyadong lugar na mapaglalaruan sa labas. Tsaka siyempre, hindi na nga ako bata para makipagtaguan pa. Baka akalain pa ng iba na ako'y isip bata. Tapos dumagdag pa ang mga game consoles. Naglalaro na lang sa loob ng bahay. Salamat nga at naimbento ang Wii, kahit papaano ay nakakagalaw-galaw pa rin. Namimiss ko na ring makipag-patintero.
Kaya talagang gusto ko ng mapunta sa Narnia. Gusto kong malanghap yung hangin dun na nagbibigay ng kakaibang lakas na nakakapagpabata. Tsaka kasi sa Narnia, di importante yung oras. Di tulad sa mundo natin ngayon na lahat ng tao laging nakaabang sa orasan. Lahat bilang, eksakto. Sa Narnia, di yun pansin. Aabangan ko lang nun siguro yung paglubog ng araw. Tapos habang nasa labas, minamasid ko yung malawak na lupain ng Narnia, yung lupa na walang nagtataasang buildings, yung kung saan bawat tignan mo eh pwedeng ipanlaban sa natural wonders of the world. Tapos dun, malaya pa yung mga hayop. Wala sila sa zoo and walang anumang threats para sila'y maging extinct (tapos ko ng basahin ang last book ng series, wala ng mga villains). Bonus pa na nakakapagsalita sila. Malaya akong makakapaglaro na walang inaalintana. Simpleng buhay lamang pero masaya.
Sana sunduin na ako ni Aslan. Masyado ng magulo ang ating mundo. Kumplikado. Hirap tumanda. Sarap maging bata.

Empty Box No. 71: Sana nasa Narnia lang ako para pagbalik ko sa 'Pinas parang di lang din gumalaw yung oras.
0 Comments:
Post a Comment