September 15, 2008
Hanggang ngayon, hindi ko magets kung bakit nung mga bata pa tayo pag gusto nating itigil pansamantala ang laro eh ang sinasabi natin ay "timepers". Time first? Ewan. Anyway, speaking of laro nung tayo'y mga bata, gusto ko lang i-share sa entry na ito ang sa tingin ko ay ang mga pinakawalang kwentang laro na nilaro natin nun.
3. "Name Race"
===> Hindi ko talaga alam ang tawag sa larong ito pero ito yung laro na ang pangalan lang natin ang ating pamato. Bale may isang taya tapos magbibigay siya ng letra. Kung ilan yung ganung titik sa pangalan mo, ganun din karami yung ii-step forward mo o kaya'y ilulukso. Unahang makarating dun sa kung saan yung taya. Nasabi kong walang kwenta ito dahil kahit sinong gustong papanalunin nung taya, pwede. Magsasabi lang siya ng letra na papabor dun sa nais niyang mauna. Tapos yung ayaw niya talaga, kawawa.
2. Paramihan ng tao
===> Ito ang number 1 na laro sa loob ng classroom. And kahit wala siyang kwenta, nakakaadik siya ng sobra. Una, kukuha ng libro tapos pipili ng side, kanan o kaliwa. Tapos sa bawat lipat ng pahina, kung kaninong side yung mas maraming tao, siyang panalo at pipitik sa natalo. Ang problema lang sa laro na ito eh hindi library ang classroom. So basically, ulit-ulit lang ang mga librong ginagamit, textbooks. At dahil dun, pwede mo munang ireview ang mga aklat na meron kayo bago makipaglaro. Haha! Talagang may review pa. Exam?
1. Kotseng Kuba Lock
===> Siguradong alam mo na ang tinutukoy ko. Ito yung laro na hindi talaga laro. Bale parang pang-asar lang talaga siya. Ang tanging kailangan lang eh mauna ka dapat makakita run sa kotseng kuba. Dahil kung hindi eh siguradong tatamaan ka sa ulo. MASAKIT! At ang mas masakit pa eh pagkatapos mong mabatukan, makikita mo na ang mga kasama mo na nakasaludo. Meaning, hindi mo na sila pwedeng batukan. (Bakit kaya kapag binabatukan ka eh hindi batok kundi ulo ang tinatamaan?) At pag ganun, talagang maaasar ka ng todo dahil di ka makaganti. Lesson: Laging magsuot ng helmet.
Yun na. Kung sa tingin niyo eh may mas walang kwenta pa sa mga yun, paki-comment na lang at nang malaman nating lahat. Hanggang dito na lang. May paparaan kasing Beetle (di na ngayon kotseng kuba ang tawag). Scout salute!
2 Comments:
HAHAHA OO!! Yung "timepers" na yan. Tas may mga times na sisigaw pa na "viva!" pag lahat nataya na dun sa game na ice-water. Haha.
Dun sa mga namention mo ndi ako familiar sa kanila actually :s Ang naalala ko lang e yung ice-water, yung laro na melting candle (pag nataya ka, magmmelt ka dapat unti unti haha), langit lupa, jackstones, 10-20 o chinese garter..
mga ganyan lang naaalala ko haha MEMORIES! VIVA! :p
Wanna exchange links? :) Astig ng blog mo! Hehe.
nakakarelate ako sa mga laro mo.hehe
lalu na dun sa paramihan ng tao.haha
pero may maidadagdag yata ako diyan,
yung candy wrappers? yung wrapper ng cola candy 100 pesos yung katumbas tapos yung lips wrapper, 10 yata,hehe, basta, padamihan ng candy wrappers and yung may candy wrappers, dapat i calculate yung monetary value (kuno) nung lahat, yung may pinakamalaking value, siya yung pinakamayaman sa lahat ng mga kalaro,haha. minsan pinag-aawayan pa yan over tansan and text.hehe. (baka ako lang ang may alam ng larong ito,haha)
nice one newbody! :)
Post a Comment