September 6, 2008
Para sa entry na ito, gusto ko lang ishare ang isang bagay na aking sinimulan ngayong semester. Tinatawag ko itong aking dress calendar.
Bale ang pinaka-purpose niya eh ang mamaximize yung gamit ng aking limited number na damit. Nag-aaral ako sa isang university na walang uniform kaya yun, bawat araw na may pasok, ibang damit. Kaya ngayon, meron akong excel file kung saan nililista ko yung sinusuot kong pantaas sa bawat araw. Yung pants kasi inuulit ko dahil di naman masyadong halata tsaka para makabawas sa labahan. Pero para sa mga gustong mag-try nitong dress calendar lalo na sa mga babae, mas ok kung mas specific. Mas maayos kung yung buong get-up yung nakalista para mapagmi-mix and match mo yung mga damit mo at nang dumami pa yung pwede mong isuot. Kahit sa isang totoong kalendaryo lang kayo maglista, basta nababasa, ok na.
Wala naman sigurong masama. Ako, it's not that I really care sa kung anumang sasabihin ng iba pero ganito lang talaga siguro ako ka-organized. Dati sa pananali ng sintas ng sapatos lang ako talagang maayos (na tinatawanan ng iba) pero ngayon, lumala na. At least, napapahaba ko yung buhay ng aking mga damit. Nakakatipid ako. Nakakasave din pala ng oras yung ganitong habit dahil di na kailangan masyadong mag-isip kung ano yung isusuot. Tapos nakakatulong pa sa akin dahil kahit di karamihan ang mga damit ko eh di masyadong halata. Though sabi ko nga, wala naman talaga akong pakialam sa sinasabi ng iba. Basta para sa akin, mas mabuti nang di nangangapa kaysa maging isang burara.
1 Comment:
nice one.. sobrang aus naman nun..haha
Post a Comment