September 12, 2008
Kung pwede lang, mas gusto ko sana kung alam ko yung eksaktong petsa ng aking kamatayan. Sh*t! Ano na naman ang tinira ko at bigla kong naisip ang kamatayan? Alam ko namang matagal pa 'yun. Masamang damo.
Hindi pero totoo, mas ok talaga kung alam ko kung kailan ko lilisanin ang mundo. Kasi pag ganun, magkakaroon ako ng sense of urgency na ma-accomplish lahat ng nais ko sa buhay. Pag ganun, mamamatay ako na walang unfinished business. Mawawala ako na hindi nagreregret sa kung anumang hindi ko nagawa. Tapos kasi pag ganun, pati yung mga tao sa paligid ko apektado. Pati sila mapipilitan sila na gawin nila yung nais nila sa akin or yung nais nila kasama ako. Sobrang saya siguro nun.
Happiest days for sure yung mga araw na yun. Hindi sila tulad ng mga araw bago yung deadline ng isang school project. Nagmamadali pero walang kaayusan. Hindi sila kagaya ng mga oras bago ang isang importanteng exam. Kinakabahan para lang ma-mental block. Yun yung tipong deadline na alam mong pagkatapos magiging masaya ang lahat. Tahimik.
Ngayon kasi, que sera sera. Gusto ko lang magising, kumain tapos matulog. Pero siguro kung alam ko na next month or next year na malalagutan na ako ng hininga, magsisimula na siguro akong gumawa ng mga makabuluhang mga bagay. Susubukan ko lahat ang mga nais ko pang maranasan. Aamin na rin nun siguro ako sa kanya (ang magreact, pangit!). Pero talaga, mas ok talaga siguro kung alam ko na yung araw na yun para maipahanda ko na yung aking lapida. Basta ba huwag lang akong sabihan one day bago yun. Six months pwede na.
RELATED MOVIE: The Bucket List
2 Comments:
magco2mment sana ako about dun sa aamin ka na pero hindi ako panget eh...
"magkakaroon ako ng sense of urgency na ma-accomplish lahat ng nais ko sa buhay."
_hindi bat mas maganda na alam mong bawat araw may naaccomplish ka sa mga bagay na nais mong magawa...enjoy lang ang buhay, kesa naman pressured kang magawa ang mga bagay na yun kung mamamatay ka na.
BASTED.
i agree with vaztosh8!!
db sbi ko dti..
"MAKE THE MOST OUT OF THE TIME GIVEN TO YOU... YOU WILL NEVER KNOW WHEN WILL THIS END."
bkit mo pa hihintaying malaman yung time kung kelan ka mamamatay dba..
gawin mo nalang dapat mong gawin..
Post a Comment