August 31, 2008
tulad nga ng sinabi ko kanina mula ito sa karanasan ng isang kaibigan, gusto ko lang ulit iparealize sa ibang tao kung ano ang kahalagahan ng concept na "TIME".
hindi ko ikkwento sa inyo kung ano nangyari sa kaibigan ko pero ang gusto ko lang ipoint sa blog ko na to, e hanggang kailan mo hihintayin ang pagkakataon para mangyari ang isang bagay kung hindi ka gagawa ng paraan para mangyari ang gusto mo. isa itong tanong na naisip ko kanina lang. talaga bang dapat mong hintayin ang pagkakataon?? o talaga bang may concept ng pagkakataon??
paano ba nagkakaroon ng pagkakataon?? chances? ang hirap sagutin. kahit ako hindi ko maisip ang sagot. marami siguro mag-iisip na right TIME ang makakasagot dyan. e tanong ko lang ulit paano mo ba malalaman kung kailan ang right timing db??
sa palagay ko kasi, hindi talaga nalalaman ang lahat ng ganyang bagay.. lalo na ang right timing.
kaya dapat habang maaga pa, lahat ng pwede mong gawin para sa araw na ito gawin mo na. wag ng ipagpaliban pa.. kasi bawat oras, minuto at segundo ay mahalaga sa buhay ng tao.
we must take all the opportunity we have para magawa ang gusto natin lalo na pagdating sa usapang love. ok, I'm not the right person to discuss all the things about love. yung mga nakakakilala lang sakin ang nakakaalam kung bakit. anyway, sa topic na to saan pumapasok ang time and chances? sa paghihintay kung kelan mo sa sabihin ang nararamdaman mo.. hahayaan mo nalang bang hintayin ng hintayin ang pagkakataon para lang masabi nafifeel mo. wala akong gustong patamaan pero sana maisip ng iba na maraming tao ang naghihintay para sabihan sila na gusto sila. o pamansin sila.
isa pang point, hindi mo malalaman ang status ng isang bagay kung hindi ka magtatanong. at wala kang lakas ng loob para magtanong o magsabi ng nararamdaman mo.. dba?
sana sa lahat ng mga nakakagets sa mga sinabi ko, marealize niyo sana ang mga bagay na ito. tama lang siguro ang maghintay at wag maging padalos dalos pero kung sobrang tagal na at wala pa rin nangyayari tama pa bang paghintayin ang sarili?
gusto ko lang iclear na hindi ako galit sa mga torpe pero gusto ko lang talaga marealize niyo na walang patutunguhan kung itatago niyo nalang nararamdaman niyo. pwera nalang kung gusto niyong maunahan kayo ng iba.
at ang last wordS na masasabi ko lang sa inyo... MAKE THE MOST OUT OF THE TIME GIVEN TO YOU... YOU WILL NEVER KNOW WHEN WILL THIS END.