TV Addicts

August 10, 2008

Alam niyo ba na tayo ang pangalawa sa may pinakamaraming oras na nilalaan sa panonood ng tv? 21 hours per week. Tanging Thailand lamang ang may mas marami, 22.4 oras kada linggo. Kaya naman sana ay ayus-ayusin yung mga programa natin sa telebisyon. Yung tipong sana sa panonood natin ng tv eh may mapupulot tayong mga aral at kaalaman o kaya naman maeentertain talaga tayo ng husto.

Pero hindi ganun yung nangyayari eh. Dalawang bagay ang naiisip kong pinaka-dahilan kung bakit bumababa yung quality ng mga programa: commercials and sensuality.

Commercials kasi ang dami ng time na kinoconsume nila. Halos kalahati ng timeslot ng isang programa eh commercials. Nababawasan na yung time para sa mismong palabas. At dahil umiikli yung palabas, di na siya masyadong nalalagyan ng palaman. Laging mabababaw ang mga stories. Tapos pinupuyat pa nila tayo. Ang li-late ng matapos. Yun tuloy wala ng masyadong nakakapanood nung mga informative na documentaries. Yung mga isinisiwalat na kung anu-anong mga bagay sa mga dokyus parang gusto na lang talagang itago sa dilim at nang walang makaalam. Ang mas ayaw ko pa eh sa mismong palabas eh present pa rin yung mga ads. Nakakadistract. Yung set ng Wowowee parang tindahan ng mga kung anu-anong supplements. Tapos sa Dyesebel, bahagi na ng story ang Sunsilk. Alam ko na mahalaga ang mga advertisements para mapagpatuloy yung mga programa pero huwag naman sanang halos kalahati ng timeslot ng mga programa eh ilaan para sa mga commercials. Please naman.

Tapos tungkol doon sa sensuality, hindi ko magets kung bakit halos lahat ng programa ngayon eh may pa-sexy na atake. Parang halos lahat desperado na maka-attract ng manonood. Natatandaan ko yung sa Marimar nung gabing magpapaalam si Sergio kay Bella, isang episode yung kanilang bed scene. Yun namang Lobo, nagka-fashion show sa story kung saan nag-bikini si Lyka pero wala naman talagang naitulong yung part na yun sa story. Tapos dagdag mo pa yung mga dancers sa mga variety shows, laging naka-sexy outfit. Alam ko na sa mga sinasabi ko eh I sound conservative pero di naman kasi talaga tama. Kahit di naman kailangan eh ginagawa pa rin nilang sexy para lang makaakit ng manonood. Di nila inaalala na ang daming mga batang nanonood ng pinapalabas nilang mga very graphic na intimate scenes. Actually kahit mga violent scenes, very graphic na rin. And lahat ng yun ay di naman talaga ganun kaimportante. Kahit disente ang dating ng isang palabas, kung ok naman yung acting at yung iba pang elements eh siguradong papatok. Kaya ako sa mga palabas ngayon sa tv eh talagang pinupuri ko yung Ako si Kim Sam Soon (maliban lang sa madalang na paglabas ni Maureen Larrazabal) at My Girl dahil talagang nagpoprovide sila ng tunay na entertainment na hindi nangangailangan ng sexy scenes. Sa mga dati naman na recent pa rin kahit papaano, humanga talaga ako sa Impostora and Maria Flordeluna. Yung mga yun kasi talagang idinaan sa acting na super effective.

Sana nga maayos ang programming sa tv. Ako kasi hindi lang 21 oras kada linggo kung manood. Sobrang higit pa run. Kaya sana nga maging mas makabuluhan pa yung panonood ko ng tv. (Isa po pala talaga akong proud Kapuso pero para sa entry na ito eh sinubukan kong maging unbiased. Kung may napansin man kayo na di sinasadyang pagkiling sa isang panig, kayo na lamang po ang bahalang magpasensiya.)

0 Comments: