August 15, 2008
Kung tulad ka ng marami na nahihirapan sa math, heto na ang website na kailangan mo.
Ipinakikilala: Mathway.com
Nakakamangha talaga yung site na 'to. Mula basic math hanggang calculus, kaya niya. Ang galing talaga dahil kahit integration by partial fractions at yung mga convergence tests para sa mga infinite sequences and series pwede. Ngayon pa lang ako nakakita ng ganito kagaling na math site. Dati kasi, ang alam ko lang na pinakamadali and free na lugar sa web na maaaring mapagtanungan tungkol sa math eh Y! Answers. Kailangan mo nga lang dun maghintay sa mga users na sumagot. Pero ok din yun.
Dito naman sa Mathway.com, kailangan mo lang pag-aralan yung syntax ng paglalagay ng equation. And di naman siya mahirap. Pagkatapos nun ay ang pinaka-AYOS! na feature ng site: step-by-step na solution bago ang final answer. Di ba ang galing?
Basta. Check niyo na lang siya pero huwag naman sana kayong umasa na lahat-lahat ay masasagot niya. And huwag niyo sana siyang abusuhin. Treat niyo lang siya bilang isang guide at hindi direktang tagasagot ng mga homeworks niyo. Mas ok pa rin kung kayo muna ang mag-try sa problem. Di naman kasi talaga mahirap ang math. Kailangan niyo lang intindihin ng mabuti tapos haluan lang ng sipag. Sanayan lang.
0 Comments:
Post a Comment