November 14, 2008
Ang uso ngayon ng mga senate probes. Lagi ko silang napapanood sa ANC (nag-plug?). Pare-pareho ang ending. Laging walang nabubuong conclusion.
Alam ko na sinusubukan naman ng mga senador ang lahat para malabas ang buong katotohanan pero sadya talagang mahirap. Napapaisip nga ako kung wala nga ba talagang sikreto na hindi nabubunyag. Sana nga talaga ay wala para naman may managot sa lahat ng mga katiwalian sa gobyerno na lalong nagpapahirap sa bansa. Kawawa naman yung mga mahihirap na siyang dapat na makinabang sa pondo ng pamahalaan na ninanakaw ng mga pulitikong gahaman.
Ngayon, maiba naman. Heto yung mga lagi kong napapansin sa mga senate probes:
- Syempre, unang-una na ang mga sarcastic remarks ni Miriam. Paborito ko yung mga banat niya kahapon kay Bolate, este Bolante. Idagdag mo pa ang hindi ko mapaliwanag na manner of speaking niya. Ang ewan. Basta. Hindi kumpleto kung wala siya.
- Hindi rin siyempre mawawala ang trademark Tagalog ni Sen. Chiz. Hindi ko alam kung ganun lang talaga niya kamahal yung sariling wika natin. O kaya eh hindi lang talaga siya ganun kagaling mag-English at nahihiya siya (which most likely ay hindi). O gusto lang talaga niyang maiba. Sa tingin mo?
- Tapos, ang mga text reactions ng mga viewers na naiinis na parang nagagalit na kay Jinggoy. Ako rin. Sana i-mute yung broadcast pag siya na. Nakakainis lang kasi talaga. Nakakairita. Siguro dahil ang yabang kasi niyang magsalita tapos meron pa siyang nakakalokong ngiti. Pwede rin naman kasi na dahil anak siya ni Erap kaya yun.
- Sobrang laki ng mga numbers lagi na pinag-uusapan. Sa bagay, hindi naman magiging malaking isyu kung bente pesos (lang). Tapos si Sen. Mar Roxas, siya ang pambato ng Senado pagdating sa math. Mahusay siyang mag-guesstimate or siguro talagang magaling talaga siyang mag-estimate. Kahit alin sa dalawa, halos pareho na rin yun.
- Madalas din na accusatory yung atake ng pagtatanong ng mga senador. It's something na I find unfair lalo na kapag talagang nahuhumiliate na yung tinatanong. Kaya talagang pinupuri ko si Sen. Cayetano kasi pag siya yung nagsalita, may power kahit di siya nagtataas ng boses o kahit intonation lang. Kagalang-galang. (Jinggoy: ahemmm!)
- Panghuli, ang lilikot lagi ng mga mata ng mga nasa hot seat. Pati si Lozada, ganun. Alam ko sabi nila, nagsisinungaling pag ganun. Sabi lang naman nila.
1 Comment:
comment lang about senator chiz. :)
nagtatagalog siya dahil binubuhay niya ang wika. may kumalat nang text message nun about this at di ko alam kung paniniwalaan ko. pero dahil school mate ko siya, mejo naniwala ako na sa kanya nga galing yun. it something like this; di naman ibig sabihin na nagtatagalog ka eh bobo ka na. para bang si rizal lang, ibigin ang sariling wika. maari rin kasi nagtatagalog ang isang tao dahil may gusto siyang ipahiwatig, at sa lagay na to, ang pagmamahal sa sariling wika.
those are not his exact words,hehe. di ko na maalala yung exact quote. basta ganun yung thought. ayun, baka yun talaga yung reason. :)
Post a Comment