November 14, 2008
Magdadalawang buwan na rin akong walang pinopost. Meron kasi akong hinanap. Inspirasyon.
Hindi ko alam kung nawala ko siya o ni-let go o talagang duwag lang ako na wala akong ginawa para di siya mawala. Magulo. Basta alam ko natagpuan ko na siya ulit.
Iba kasi kapag may isang tao o bagay na nagsisilbing inspirasyon mo eh. May kung ano sa inpirasyon mong yun na nagbibigay sa iyo ng di maipaliwanag na drive para magawa mo yung mga bagay na di mo normally nagagawa. Para siyang adrenaline rush na everyday nasa iyo, di nawawala.
Siguro kasi gusto mong ma-impress sa'yo yung tao na yun. Gusto mong ipakita sa kanya yung positive effect na nadudulot niya sa'yo. Siguro rin kasi gusto mong ma-express lahat-lahat ng nais mong sabihin sa kanya kaya kung anu-anong mga bagay ang naiisip mong gawin para maparamdam sa kanya. Pwede rin na dahil sa gustung-gusto mo kasi talagang makamit yung isang bagay. Tulad ng pangarap.
Dahil sa matinding pagnanais na makamit yung hangarin na yun, ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya. Ang mga magulang natin, nagtatrabaho at inaalagaan tayo ng mabuti kasi may pangarap sila para sa atin. Tayo ang mga nagsisilbing inspirasyon nila. Ako, ngayon, nag-aaral ako ng mabuti kasi nais ko talagang makatapos. Gusto kong sulitin at suklian yung lahat ng ginagawa nila. Siyempre, alam kong para rin sa'kin ito para magkaroon ako ng magandang kinabukasan.
Kaya ikaw, kung wala kang maisip na kahit anuman o sinumang inspirasyon ngayon, huminto ka sandali. Mag-isip ng mabuti dahil may mali.
0 Comments:
Post a Comment