Another Senate Probe

November 14, 2008

Ang uso ngayon ng mga senate probes. Lagi ko silang napapanood sa ANC (nag-plug?). Pare-pareho ang ending. Laging walang nabubuong conclusion.

Alam ko na sinusubukan naman ng mga senador ang lahat para malabas ang buong katotohanan pero sadya talagang mahirap. Napapaisip nga ako kung wala nga ba talagang sikreto na hindi nabubunyag. Sana nga talaga ay wala para naman may managot sa lahat ng mga katiwalian sa gobyerno na lalong nagpapahirap sa bansa. Kawawa naman yung mga mahihirap na siyang dapat na makinabang sa pondo ng pamahalaan na ninanakaw ng mga pulitikong gahaman.

Ngayon, maiba naman. Heto yung mga lagi kong napapansin sa mga senate probes:

  1. Syempre, unang-una na ang mga sarcastic remarks ni Miriam. Paborito ko yung mga banat niya kahapon kay Bolate, este Bolante. Idagdag mo pa ang hindi ko mapaliwanag na manner of speaking niya. Ang ewan. Basta. Hindi kumpleto kung wala siya.
  2. Hindi rin siyempre mawawala ang trademark Tagalog ni Sen. Chiz. Hindi ko alam kung ganun lang talaga niya kamahal yung sariling wika natin. O kaya eh hindi lang talaga siya ganun kagaling mag-English at nahihiya siya (which most likely ay hindi). O gusto lang talaga niyang maiba. Sa tingin mo?
  3. Tapos, ang mga text reactions ng mga viewers na naiinis na parang nagagalit na kay Jinggoy. Ako rin. Sana i-mute yung broadcast pag siya na. Nakakainis lang kasi talaga. Nakakairita. Siguro dahil ang yabang kasi niyang magsalita tapos meron pa siyang nakakalokong ngiti. Pwede rin naman kasi na dahil anak siya ni Erap kaya yun.
  4. Sobrang laki ng mga numbers lagi na pinag-uusapan. Sa bagay, hindi naman magiging malaking isyu kung bente pesos (lang). Tapos si Sen. Mar Roxas, siya ang pambato ng Senado pagdating sa math. Mahusay siyang mag-guesstimate or siguro talagang magaling talaga siyang mag-estimate. Kahit alin sa dalawa, halos pareho na rin yun.
  5. Madalas din na accusatory yung atake ng pagtatanong ng mga senador. It's something na I find unfair lalo na kapag talagang nahuhumiliate na yung tinatanong. Kaya talagang pinupuri ko si Sen. Cayetano kasi pag siya yung nagsalita, may power kahit di siya nagtataas ng boses o kahit intonation lang. Kagalang-galang. (Jinggoy: ahemmm!)
  6. Panghuli, ang lilikot lagi ng mga mata ng mga nasa hot seat. Pati si Lozada, ganun. Alam ko sabi nila, nagsisinungaling pag ganun. Sabi lang naman nila.
Ang ikli lang ng nabuo kong list. Paano kasi eh may isa pa akong napansin. Laging hanggang sa recess (lunch break) lang ang napapanood ko kaya yung mga nagtatanong lang sa first round ang inaabutan ko. Kaya kayo kung meron pa kayong mga napapansin madalas sa mga senate probes, pa-comment na lang.

Again

Magdadalawang buwan na rin akong walang pinopost. Meron kasi akong hinanap. Inspirasyon.

Hindi ko alam kung nawala ko siya o ni-let go o talagang duwag lang ako na wala akong ginawa para di siya mawala. Magulo. Basta alam ko natagpuan ko na siya ulit.

Iba kasi kapag may isang tao o bagay na nagsisilbing inspirasyon mo eh. May kung ano sa inpirasyon mong yun na nagbibigay sa iyo ng di maipaliwanag na drive para magawa mo yung mga bagay na di mo normally nagagawa. Para siyang adrenaline rush na everyday nasa iyo, di nawawala.

Siguro kasi gusto mong ma-impress sa'yo yung tao na yun. Gusto mong ipakita sa kanya yung positive effect na nadudulot niya sa'yo. Siguro rin kasi gusto mong ma-express lahat-lahat ng nais mong sabihin sa kanya kaya kung anu-anong mga bagay ang naiisip mong gawin para maparamdam sa kanya. Pwede rin na dahil sa gustung-gusto mo kasi talagang makamit yung isang bagay. Tulad ng pangarap.

Dahil sa matinding pagnanais na makamit yung hangarin na yun, ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya. Ang mga magulang natin, nagtatrabaho at inaalagaan tayo ng mabuti kasi may pangarap sila para sa atin. Tayo ang mga nagsisilbing inspirasyon nila. Ako, ngayon, nag-aaral ako ng mabuti kasi nais ko talagang makatapos. Gusto kong sulitin at suklian yung lahat ng ginagawa nila. Siyempre, alam kong para rin sa'kin ito para magkaroon ako ng magandang kinabukasan.

Kaya ikaw, kung wala kang maisip na kahit anuman o sinumang inspirasyon ngayon, huminto ka sandali. Mag-isip ng mabuti dahil may mali.

temptations may not be temptations at all

i read my last post. natuwa naman ako kasi nakapagsulat ako ng ganung topic na entry.
natuwa din ako kasi i found that at this point, i think i am wrong about what i said with my last entry. hehe, at some parts lang naman. i read a very interesting speech earlier and i madeit a basis for what i will be saying later on. :) , like buddha, i am enlightened.haha. here are my fave lines from the speech:

"I’m here to tell you this. Forget about your life expectancy. After all, it’s calculated based on an average. And you never, ever want to expect being average."-- live your life to the fullest daw kasi. kunwari, kapag nagwowork ka daw or nag-aaral ng super seryoso, you are not really making a living out of those activities. actually, pinaiikli mo daw. habang may oras ka, gamitin mo yun sa gusto mong gawin at love na love mo gawin kahit walang bayad. work kills i assure you.

"be hated. It’s not as easy as it sounds. Do you know anyone who hates you? Yet every great figure who has contributed to the human race has been hated, not just by one person, but often by a great many. That hatred is so strong it has caused those great figures to be shunned, abused, murdered and in one famous instance, nailed to a cross. " ---ayus di ba? sabi nga dito, kapag may ayaw sayo ibig sabihin nun maytaong kumukuwestiyon sa righteousness mo. ayus yon kasi ibig sabihin nun, you are right on your principles and advocacies. :)

"You will also find that it is no great tragedy if your love is not reciprocated. You are not doing it to be loved back. Its value is to inspire you. " at ito ang bonggang bongga, hehe. ngayun ko lang ito narealize! haha. di ko maexplai kung paano ko nakonek ito dun sa temptations pero, nakonek ko at masasbai kong mali nga ako sa ilangmga bagay dun. :)


ayus ba?hehe. i so love the speech!