CON-ASS

June 13, 2009

Simple lang kung tutuusin maintindihan ang konsepto ng Con-Ass. Ito ay tumutukoy sa Constitutional Assembly kung saan maaaring palitan ang kasulukuyang konstitusyon ng bansa. Bakit ito makakasama?

Una sa lahat, ito ay sa pamamagitan ng desisyon ng ating kongreso, at alam naman natin na "tuta" halos lahat ni PGMA ang mga nakaluklok nating mga mambabatas., so in a sense, pakana ito ni GMA. Maaaring gawin itong paraan ng pangulo para maging Parliamentary ang sistema ng gobyerno natin. Kung magkagayon, maaari siyang tumakbo bilang kongresista ng isang distrito sa Pampanga at ma-elect bilang prime minister. Ang pinakanakakatakot dito, walang limitasyon ang panunungkulan ng prime minister (unless i-impeach siya ng congrees? which is very unlikely dahil nga marami siyang alipores sa kongreso). Maaaring sabihin niyo na masyado yatang imaginative at maaaring imposible ang ganitong plano ni PGMA, pero knowing GMA, malaki ang posibilidand na mangyari pa rin ito. Sinabi na ng pangulo na wala daw kinalaman ang palasyo sa con-ass, ngunit hindi ba't siya ang pinuno ng partidong Lakas-Kampi na bumubuo sa mayorya ng house of representatives? Sinasabing nagkasundo ang mga konrgesman under sa partidong ito na bumoto para sa House resolution 1109, ang resolusyong naga-allow ng pagamyenda ng ating saligang batas. Kahit na sinabi na mismo ni PGMA na 'di siya tatakbo bilang kongresman ng Pampanga, sino ang maniniwala sa kanya? Alalahanin nating sinabi rin niya dati na 'di siya tatakbo sa pagkapangulo noong 2004.


Pangalawa, makakasama ito sa ekonomiya. Ayon na mismo sa mga ekonomista, makakasama ang hakbang na ito ng kongreso sa ating ekonomiya dahil maaaring ma-dissapoint ang mga mangangalakal sa uri ng gobyerno natin at ma-discourage na maginvest sa atin. Pinagbantaan na dati ng NEDA ang kongreso na makakasama ang con-ass sa ating ekonomiya. Sagot ni house speaker Nograles: [the warning] came too late. So? Tama ba namang sagot iyon? Hindi ba't ang sabi dati ng kongres na isang aim nila sa pagaamyenda ng konstitusyon ay upang mapabuti ang ekonomiya? Parang napaka-ironic naman yata ng sagot niya, unless 'di nga tungkol sa ekonomiya ng ninanais nila. Nakakainis pa, ang ginawang botohan sa house of representatives ay base lang sa pagsabi ng aye at naye. Wala man lang bilangang nangyari dahil nakasisiguro na si Nograles na majority ay bumoto na oo dahil tuta naman halos ni PGMA ang mayorya. Kahit na 3/4 na boto ang kailangan, 'di na sila nahirapan dahil nakasisiguro naman silang makaPGMA ang halos house of representatives. Isa pang nakakainis, parang maba-bypass ang kapangyarihan ng senado. Sa H.R. 1109 kasi gagawing united ang house of representatives at senate sa pagboto at dahil 24 lang ang mga senador, kahit lahat sila ay 'di sang-ayon sa cha-cha, malalamangan pa rin sila sa bilang ng mga kongresistang makaGMA.

Sa panayam ng isang news program sa ilang mga ralyista na 'di daw sang ayon sa con-ass, kitang-kita na 'di nila alam kung ano ang kanilang pinaglalaban. Pagtutol laban sa con-ass ang sigaw nila, pero nung tanungin kung ano ang con-ass, parang walang masabi ang mga kababayan nating ito. Ang bagay lang n sigurado sila ay makakasama daw ito sa bayan.Napaisip tuloy ako, kung malaking porsyento ng mga ralyistang ito ang walang alam tungkol sa con-ass, 'di ba't parang wala ring silbi ang pinaglalaban nila? Paano mo nga ba naman paninidigan ang pinaglalaban mo kung ikaw mismo 'di alam kung ano ang pinaglalaban mo?

Nakakatuwang malaman na may mga taong nagpapakahirap sa paglakad at pagsigaw sa mga kalye natin ngayon ang walang kaalam-alam sa kung ano ang kanilang pinaglalaban. Mainit ngayon ang issue ng Con-Ass at ang mga matitinding sentimyento ng mga Pilipino laban dito. Ngunit marami pa rin ang tila nakikiayon lang sa daloy...



Photo taken from http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/b/b0/Gloria_Macapagal_Arroyo_WEF_2009.jpg

1 Comment:

Anonymous said...

Bantayan ang darating na SONA!